Matapos i-veto ng nakaraang administrasyon, muli namang isinampa ng isang senador ang panukala para itaas ang suweldo ng nurse.

Base sa panukalang Comprehensive Nursing Act ni Sen. Francis Pangilinan, gusto nitong itaas ang sahod ng entry-level nurses mula P19,077 (Salary Grade 11) paakyat ng P26,192 (Salary Grade 15).

Sa mga nagtatrabaho sa pribadong sektor, kailangang katumbas ng salary grade 15 ang suweldo ng entry level ng mga nurse.

Umaasa si Pangilinan na kung maipapasa ito, mababawasan kundi man tuluyang mapigilan ang bilang ng tinatayang 22,000 health professionals na nangingibang bansa kada taon.

“Libo-libo sa ating mga health professionals ay mas pinipiling magtrabaho sa ibang bansa dahil may kakulangan sa oportunidad sa Pilipinas at hindi sapat ang kita,” rason ni Pangilinan.

“Sana ay mahimok nito ang ating mga nurse na manatili sa bansa, lalo na sa mga probinsya kung saan may mas malaking pangangailangan,” dagdag ng senador.

Ayon sa World Health Organization, tinatayang 22,000 health professionals kada taon ang umaalis sa bansa para magtrabaho sa abroad dahil sa “unemployment, low salaries, at unjust working conditions”.

2 Responses

  1. Bakit itataas ang sweldo ng sangkatutak na populasyon ng nurse?. Lahat sila kaya nag nurse para makatrbaho sa abroad hindi sa Pilipinas. Ang mga nandito ay wala lang swerte pang makalayas. Mas marami pa sila kaysa pasyenteng nasa ospital. Tulungan ng gobyerno ang kawawang mga maysakit na magamot sa ospital nang hindi umaasa sa albolaryo. Kung ayaw ng nurse magtrabaho sa ospital dahil mallit ang sweldo mag DH na lang sila. Pasyente muna bago nurse.