Tabuena inalat sa Shanghai

Tumapos sa two-way tie sa 68th slot si Miguel Luis Tabuena sa 78-pla­yer US$9.5-million 12th World Golf Championship-HSBC Cham­pions 2016 na tumiklop kahapon sa Sheshan Golf Club sa Shanghai, China.

Konsolasyon ng P­inoy pro ay tumiba siya ng $44,375.

Worst ang fourth and final round ng 22-year-old Manila native sa six-over-par 78 tungo sa 10-over 298 total, 33-stroke behind kay Japanese Hideki Matsumaya na may 66-265 at nagsubi ng $1.620M champion purse.

Nakaposte ng pitong palong tagum­pay si Matsumaya laban kina Swede D­entik S­tenson (65-272) at American Danier Berger (69-272) at maging u­nang Hapones na nakoronahang hari ng individual WGC sa elite field kung saan nakapasok si Tabuena bilang No. 3 sa top four Asian Tour 2016 rankings hanggang nung Oct. 17.