Tabuena nabaon sa Malaysia

Lalo pang naiwan si Miguel Luis Tabuena, 12 strokes na siya sa likuran ng leader pagkatapos ng halfway mark ng US$7-million 7th CIMB Classic sa West Course ng Kuala Lumpur Golf and Country Club sa Malaysia kahapon.

Naglista ng 3-under par 6 kahapon tungo sa kabuuang 142 si Tabuena at napadpad sa eight-way tie sa 46th spot ng 78-player, four-day tournament na matatapos bukas at taya ang $1,260,000 para sa kampeon.

Zero bogey si Tabuena sa second round, pero nagkasya lang sa tatlong birdies. Mas masagwa ang palo niya sa opening round noong Huwebes nang mapuwersa sa limang bogeys.

Solo-leader si American Justin Thomas na nakahambalos ng 66-132, two strokes sa unahan ni Indian Anirban Lahiri na tumapos din ng 66.

Ang torneo ay 28th sa 33-leg 22nd Asian Tour 2016.