TABUENA OUT NA SA RIO

Miguel Tabuena (AFP)
Miguel Tabuena (AFP)
Miguel Tabuena (AFP)

Pumalo lang si Miguel Luis Tabuena ng two-over par 73 sa third round Sabado ng gabi pa-221 total, naiwan na ng 20-strokes at nasipa sa medal race ng 31st Olympic Games golf men’s individual sa Olimpico de Golfe sa Rio de Janeiro.

Sinabi ng 21-year-old Filipino pro na nananakit ang kanang balikat pero nangako na tatapusin ang last 18 holes kagabi. Nasa 56th place siya.

Bogey agad si Tabuena sa second-fourth holes bago naka-birdie sa fifth, Bahagya siyang nag-init sa simula sa back nine nang makadalawang sunod na par at kambal na birdies pagkaraan sa 10 at 11, pero nag-bogey uli sa 13th at 15th holes.

“I don’t really like it when I play in pain. For me, if I’m in pain I already pull the plug right away because it’s too risky. I have more tournaments at the end of the year. But this is the Olympics. It’s hard to give up,” pahayag ni Tabuena.

Bagong lider si Justin Rose ng Britain tapos ng 54 holes sa 201 total, abante ng isang palo kay reigning British Open champion Henrik Stenson ng Sweden (68-202).