Sisimulan na sa susunod na linggo ng Kamara ang imbestigasyon sa land deal sa pagitan ng Tagum Agricultural Development Company (Tadeco) at Bureau of Corrections (BuCor).
Ito ang inanunsyo ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao sa press conference ng Makabayang bloc sa Kamara kahapon kung saan mismong si House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ang mangunguna.
Dahil dito, nagpahabol ng resolusyon si Casilao para masiguro na makinabang ang mga magsasaka sa lupain ng BuCor na ipinarenta sa Tadeco na pag-aari ni Davao del Norte Rep. Antonio ‘Tonyboy’ Floirendo.
Ayon kay Casilao, ayaw nilang itali lang ang isyu sa away nina Alvarez at Floirendo sa imbestigasyon bagkus ay nais umano nilang masiguro na makinabang ang mga agrarian beneficiaries sa mga lupaing ito na pag-aari ng BuCor na hawak ngayon ng Tadeco.
Naniniwala ang mambabatas na kapag nabawi ang mga lupa sa Tadeco ay mahigit 30,000 magsasaka ang mabibigyan ng sariling lupa kaya nais nito na ipasa ng BuCor ang lupain sa Department of Agrarian Reform (DAR).
Sana lang wag matakot tong mga to kay Alvarez. Bully yun eh. If he doesn’t get what he wants, sigurado pagiinitan ka.
Alvarez is greed of both power and money!