Taekwondo jin Alora na lang ang pag-asa

Huling tsansa ng Pili­pinas si taekwondo jin Kirstie Elaine Alora para magdagdag ng medalya sa Rio Olympics.

Nagtumbahan sa athletics sina Eric Shauwn­ Cray at three-time Olympian Marestella Torres-­Sunang nitong Miyerkules, sa balikat — mga kamao at paa — na lang ni Alora nakasalalay ang tsansa ng Pilipinas.

Mula nang buhatin ni weightlifter Hidilyn Dia­z ang silver sa women’s 53-kilogram class, hindi na nadagdagan ang koleksiyon ng Pilipinas.

Sumalto si Cray na pumalaot sa finals ng men’s 400-meter hurdles nang magtala lang ng 49.37 seconds para­ pumampito sa unang semifinals heat. Mas mabagal pa ito sa 49.05 niya sa qualifying heats noong Lunes.

Si Torres-Sunang, inin­da ang injury sa kaliwang balakang at hindi rin umubra sa women’s long jump. Sa 38 entries sa qualifying round, nagkasya lang sa 28th si Torres-Sunang, best jump na niya ang 6.22 meters matapos ang tatlong faults.

“Sumasakit kapag binibilisan ko pagtakbo,” daing ni Torres-Sunang sa kaliwang balikat na nabugbog sa warm up.

Si Alora ang huling Pinay na sasalang sa Rio sa August 20, ang pagsipa ng taekwondo competitions sa Games.