Taeyang inudyukan umalis na sa Bigbang

Apektado nga ang pioneer boy group na BIGBANG sa mga recent controversies na naglalabasan partikular na sa nag-iisang nasa labas ng military na si ­Seungri.

Hindi lang ang Burning­ Sun na prostitution at drugs ang isyu ngayon, maging ang naka-enlist sa military na si G Dragon ay may isyu dahi sa hindi niya pagkaka-promote mula sa “private class” to “corporal military.”

Ang siste, kesyo napapaboran daw ito at may source mula sa loob na nagsabing kaya raw hindi ito na-promote dahil sa maraming araw na inilalagi nito off base camp.

Dahil nga sa mga scandal na ito, halatang heart broken ang mga VIP or BIGBANG fan. Halatang disappointed ang mga ito sa mga isyu surrounding their idols. At humuhugot na lang daw sila ng lakas at pag-asa sa isa pang miyembro ng grupo na nasa loob din ng military, si Taeyang.

Bumuhos ang mga comments ng fans sa Instagram account ni Taeyang. Nakikiusap ang mga ito sa singer at ilan sa mga comments ng mga fan, “You’re the only one we can trust now, Oppa“, and “Please don’t disappoint us too, Oppa.”

Pero ang nakagugulat at masasabing ganun na lang ang pagkadismaya ng mga fan sa lumalabas na scandal ay ‘yung binibigyan nila ng ideya si Teayang na mag-solo na lang.

Sabi nila, “Hyung, can you just drop out of BIGBANG?” and “Drop out of the group as soon as you get discharged.”

Nakalulungkot naman kung mabubuwag ang BIGBANG kaya sana, malampasan nilang lahat ang recent scandal, lalo na ni Seungri.

Yeonwoo ng Momoland baon sa utang

Hindi birong mil­yones na dolyar ang nauubos ng isang entertainment agency para makapag-debut ng isang idol groups. Karaniwang inaabot ng mahigit dalawang taon sa training pa lang.

Kaya kahit na may ideya na ang ilan, hindi pa rin maiwasang hindi magulat at makisimpatiya sa isang miyembro ng Momoland na si Yeon­woo.

May rebelasyon ito nang mag-guest sa first episode ng SBS’s “Village Survival, The Eight 2.” Ang nasabing show ay kailangang ma-solve ng cast ang mystery para manalo ng 10 million won (approximately $8,900) as a prize.

Nang tanungin ng comedian/host na si Yoo Jae Suk si Yeonwoo kung ano ang plano nitong gawin sa cash prize sakali at siya ang manalo, dito ina­min ng idol na ‘pag nagkataon, ito pa lang daw ang mararanasan niyang kauna-unahang talent­ fee.

Aniya,“I haven’t received any earnings yet since I made my debut. So that 10 million won would be my first earnings.”­

Ipinaliwanag naman nga ni Yoo Jae Suk kung bakit ito nasabi ni Yeonwoo, “When a group debuts, their earnings usually go into covering all the agency’s expenses during the training period.”
Dugtong pa ng Momoland member, “I’m still in debt. Every day is spent in a pile of debt.”

Imagining what she would do with the prize money. To be honest, I’m still cautious when it comes to food because we have a limit on how much we can spend per meal. It used to be 7,000 won (approximately $6.2) but it’s been increased to 10,000 won (approximately $8.9). It’s been about six months since I’ve eaten beef, so if I win the prize, I want to eat delicious meals all the time.”

Nakuha naman ni Yeonwoo ang simpatiya ng ibang cast at may nagsabing hayaan na lang daw na ito ang manalo. May ilang nakasimpatiya dahil naalala rin nila ang panahong nagsisimula pa lang sila.

Naalala naman namin ang Momoland na ilang beses na nagpabalik-balik sa Pilipinas at endorser pa ng Frontrow ni RS Francisco. Ibig sabihin pala, hindi pa rin nahawakan ng Momoland member ang endorsement fee nila rito?

Itzy ginagaya ang Blackpink

Napansin daw ng mga netizen na tila kinokopya ng rookie girl group na ITZY ang style, lalo na ang mga outfit ng sikat na girl group na BLACKPINK. Naglabas pa ng mga larawan na halatang ginagaya raw ng ITZY ang mga naisuot na ng BLACKPINK.

May ilang fan naman na nakiusap na ‘wag na raw pag-awayin, sa halip ay i-cheer na lang daw ang dalawang grupo.