Kasabay ng pagdedeklara kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng panahon ng tag-ulan ay nagkaroon ng pagbaha matapos bumuhos ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila kagabi.
Nauna nang kinumpirma ng PAGASA na ang naitalang buhos ng ulan nitong nakaraang limang araw ay indikasyon na nag-umpisa na ang panahon ng tag-ulan.
Asahan din ayon sa PAGASA na mas magiging mas maulan ngayong taon kumpara sa nakaraang dalawang taon, kung saan ay nakaranas ang bansa ng El Niño.
Samantala, kabilang sa mga binaha kagabi pasado alas-siyete ng gabi hanggang alas-8:30 ng gabi, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay ang malaking bahagi ng Edsa partikular sa Kamias, Balintawak, Tuazon, at Quezon Avenue.
Ayon sa MMDA, umabot hanggang sa gutter ang lalim ng tubig.
Maliban sa nabanggit na mga bahagi ng Edsa ay binaha rin ang ilang lugar sa C-5 Katipunan sa CP Garcia, Quezon City Memorial Circle, Philcoa sa Commonwealth Avenue, Araneta Tunnel, Rizal Avenue sa may R. Papa sa Maynila, Panay Avenue sa QC, Finance Road sa Maynila, at Railroad Drive sa Port Area, Maynila.
Ang pagbaha sa nasabing mga lugar ay naitala ay pawang naitala sa gutter-deep.
Dahil sa biglaan at malakas na pagbuhos ng ulan na nagresulta ng pagtaas ng tubig ay maraming sasakyang nasa kalsada ang nalubog sa baha.
Na-stranded din ang maraming pasahero dahil rush hour nang bumuhos ang malakas na ulan.
Tag-ulan na patuloy pa rin ang mga katiwalian at kaguluhan sa INC:
INC Whistleblower
Dear A.E.,
Mahigit isang taon na akong nakasubaybay sa iyong blog mula ng nashut-down yung una mong site hanggang sa bagong site mo. Salamat naman at muli mong binuksan ang iyong linya para tumanggap ng mga ulat na wala na ring saysay kung sa Pamamahala namin ipapadala dahil sa sila-sila din ang nagkukunsintihan sa anomalyang ginagawa nila sa Iglesia ngayon. Handog ako sa Iglesia at matagal na maytungkulin sa Pananalapi kaya kitang-kita ko talaga ang pagbabago at mga iregularidad ngayon sa ilalim ng pamumuno ni Ka Eduardo. Akala ko ay kaya kong balewalain na lamang ang mga nakikita kong kamalian sa pananalapi subalit oras na magtanong ako sa Ministro tungkol sa tuntunin na nilalabag na nila ay isusumbong ka sa Tagapangasiwa at bukas makalawa ay tiwalag ka na, kaya mas pinili kong manahimik noon. Subalit ng hindi ko na makayanan, ako na mismo ang bumaba sa tungkulin ko dahil ayaw kong maging “conspirator” nila sa katiwalian lalo na sa ginagawa nila sa handog ng Iglesia.
Tangi sa pagiging kaanib sa Iglesia, isa rin akong empleyado sa isang sangay ng gobyerno. Clerical lamang ang trabaho ko subalit, lingid sa kaalaman ng Central, isa ako sa mga kawani sa gobyerno na nagpo-process ng mga mahahalagang papeles. Buti na lamang at dito sa aking departamento ay di masyadong maimpluwensya ang Iglesia dahil sa masama na ang imahe ng INC dahil na rin sa mga pangaabuso ng Pamamahala sa pamamagitan ng Ministrong si Ka Erdz Codera.
Iisa-isahin ko po ang mga pangaabuso sa impluwensya at kapangyarihan ng mga taong ito subalit ipinakikiusap ko lamang po na pakitago po ang aking impormasyon. Maaari po ninyong ilabas ang ilan sa mga dokumentong ipapadala ko sa inyo para mapatunayang legitimate po ang aking information.
Kaya ko po ito ginagawa ay upang masugpo na ang kawalanghiyaan ng mga namiminuno sa Iglesia ngayon dahil lubog na lubog na sa kahihiyan ang Iglesia dahil na rin sa kagagawan ng mga gahaman sa kapangyarihan at mga duwag na mga Ministro na nagmistulang mga bulag, pipi at bingi na tagasunod sa takot maalis sa karapatan at mawalan ng tinatanggap nilang tulog (sweldo) na tinatanggap nila linggu-linggo. Dahil sa sukdulan na ang kanilang kasamaan at wala ng pag-ibig at respeto sa kapatid at sa kapwa, sila ngayon ay wala ng takot na magpadukot ng tao at pumatay. At dahil sa walang awang pagpatay kay Lito Fruto na alam lahat ng mga tao, maging ng mga taga-sanlibutan, na kagagawan ng Pamamahala sa Iglesia, sinabi ko sa aking sarili na ito na ang hangganan ng aking pananahimik. Pinasya ko ng huwag na munang sumamba hanggat hindi magkaroon ng tapang si Ka Eduardo na kausapin at makipagayos sa kaniyang sariling ina at mga kapatid at ipasailalim sa masusing imbestigasyon ang mga nasa Sanggunian at maraming mga tiwaling Tagapangasiwa. At kahit ipatawag pa ako ng aming Pastor at Tagapangasiwa ay hindi na ako pupunta, dahil para ano pa? Para mapilit nila akong magsinungaling sa kapirasong papel na salysay daw pero ipapasulat lang nila kung ano ang gusto nilang ipalagay. Itiwalag na nila ako kung gusto nila, alam ng Diyos ang laman ng aking puso at mamumuhay ako ayon sa dalisay na aral na aking tinanggap at hindi ayon sa baluktot na aral na ipinangangalandakan nila sa tribuna ngayon na punong puno ng poot at kasinungalingan.
Ka A.E., suggestion ko lang po, pakiforward nyo po sa International agencies ang mga documents na ipapadala ko sa inyo upang sa susunod na magpakita si Ka Eduardo at ang kaniyang mga alipores sa mga bansa sa abroad ay maaari na silang damputin ng mga awtoridad upang kwestyunin ukol sa mga anomalyang pinapatunayan ng mga dokumentong ipapadala ko. Huwag nyo po sanang ilabas lahat sa Social Media ang mga dokumento, kahit pumili na lamang po kayo ng ilan para lamang patunayan na authentic ang mga ito dahil maaari nilang iverify. Yung mga luma na lamang ang ipakita nyo po.
EDUARDO MANALO-PASSPORTEDUARDO MANALO-USBABYLYN MANALO-PASSPORTBABYLYN MANALO-US
Pagpalain nawa kayong palagi Ka A.E. at ang mga kasama ninyo dahil sumasampalataya ako na kinasangkapan kayo ng Ama upang gisingin ang aming kamalayan sa totoong nangyayari sa Iglesia upang kami man ay manindigan din sa panig ng tama at totoo at huwag ng matakot sa pananakot at panggigipit ng mga Ministro sa ilalim ng tiwaling Pamamahala ng Ka Eduardo Manalo.
Ang inyong tunay na kapatid kay Cristo,
******* *** *****