Ang suwerteng 13th month pay

May paniniwala na malas ang trese. Kaya nga may mga gusali na walang 13th floor, may mga hotel na walang Room 13, at iniiwasan na 13 lang ang baytang sa hagdan. Pero pagdating ng panahon ng kapaskuhan, deadma ang malas-trese para sa pinakaaabangan ng mga manggagawa — ang 13th month pay.