Iba ang werpa ng ama

Hindi maikakailang malaking bentahe pa rin kay Sen. Grace Poe ang pagkakaroon ng amang aktor na si yumaong Fernando Poe Jr. (FPJ) kaya siya ang laging nangunguna sa mga survey para sa nalalapit na midterm elections.
May taglay pa ring ‘FPJ magic’

Kung ngayon gagawin ang halalan para sa Senado, tiyak na si Sen. Grace Poe ang magiging topnotcher base sa resulta ng mga survey ng Issues and Advocacy Center (The Center) nitong Nobyembre 12-18, 2018 at Radio Mindanao Network (RMN) 2019 Election Survey nitong Nobyembre 7-17, 2018.