31st Kadayawan sa Davao simula na

Sinimulan na kahapon ang pagdiriwang ng 31st Kadayawan Festival sa Durian Dome ng People’s Park sa Davao City. Ang Davao City ang nag-iisang siyudad sa buong bansa na ginugunita at ipinagdiriwang ang pinagmulan ng labing-isang tribu nito. Binuksan na sa publiko alas-dos ng hapon ang photo exhibit na sumasalamin sa iba’t ibang pamumuhay, kultura, tradisyon at mga sakripisyong tulung-tulong na ginawa para sa kapaka­nan ng Davao City. […]