Raymundo binalatan ang Marlins

Kumampay si John Murphy ‘Pamboy’ Raymundo ng 22 point at 7 assist upang daganan ng GenSan-Burlington Warriors ang Sarangani Marlins, 104-87, at makasikwat ng South Division playoff berth ng South Division sa 3rd Chooks-To-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations nitong Lunes sa San Andres Sports Center sa Maynila.

Apinan dinaganan ang GenSan

Sinaniban si Jeckster Apinan sa overtime nang maipasok ang importanteng buzzer-beating layup upang isalba ang Makati-Super Crunch kontra GenSan- Burlington, 91-90, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 sa Alonte Sports Arena, Biñan.

Teng winasiwas ang Imus

Pinagpag ng Pasig-Sta. Lucia Realtors ang three-game slide sa pagtabon sa Imus-Luxxe Slim Bandera, 93-88, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 Huwebes sa Angeles University Foundation Gym sa Pampanga.

Yee binasag ang Makati

Humukay ng 11 points at 12 rebounds si ex-pro Mark Yee upang pagbidahan ang Davao Occidental Tigers sa pagbasag sa Makati Super Crunch, 101-79, sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations Martes sa San Andres Sports Center.