Diputado nilusot ang Bulacan vs Batangas

Sinalba ng krusyal na driving layup sa huling 33 segundo ni Adven Jess ‘Rev’ Diputado ang Bulacan Kuyas kontra ­Batangas City Athletics, 82-81, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Olivares College Gymnasium sa Parañaque.

Dumapig dinaig ang Sarangani

Sinagasaan ni Cris Dumapig ang mga humarang sa kanya sa pagkasa ng 15 points, 18 rebounds at tig-2 assist at block upang balikatin ang Basilan Steel sa pagdagok sa Sarangani, ­85-82, Sabado nang gabi sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Santa Rosa City Multi-Purpose Sports Center, Laguna.

Haruna tinumba ang Quezon City

Binitbit nina ex-pro Paolo Javelona at Yankee Haruna ang Bacolod Master Sardines para mapadapa ang Quezon City Capitals, 68-63, sa pagbabalik ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Biyernes sa Caloocan City Sports Center.

Juico ginarote ang Parañaque

Ibinalik ni Michael Juico ang Pampanga ­Giants Lanterns sa win column ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 eliminations tapos pulbusin ang Parañaque Patriots, 82-63 Miyerkoles nang gabi sa Sarangani Capitol Gym, Gen. Santos City.

Alvarez pinabagsak ang Bataan

Nagbaon si Lester Alvarez ng 13 points kalakip ang 3 rebounds at 1 assist para bidahan ang pagtumba ng Bulacan Kuyas sa Bataan Risers Camaya Coast, 81-79, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Lunes sa Makati City Coliseum.

Lanters binasag ni Derige

Pasiklab ng 31 points at 8 rebounds si Clark Derige para kalsuhan ang three-game slump ng Quezon City Capitals, pinundi ang Pampanga Giant Lanterns, 81-75, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Biyernes ng gabi sa Pasig City Sports Center.

Banal pinadapa ang Valenzuela

Banal pinadapa ang Valenzuela

Kinarga ni Gab Banal ang ­Bacoor City Strikers tungong ikatlong sunod na panalo tapos pabagsakin ang Valenzuela, 78-74, sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims Martes ng hapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

Reverente, Ilagan tinuka ang Sharks

Pakners sa opensiba sina Dhon Reverente at Raymund Ilagan para manguna sa 82-74 panalo ng Pasay Voyagers kontra Cebu Sharks sa unang laro kahapon ng 3rd MPBL Lakan Cup 2019 sa Makati Coliseum.

Bautista, Basilan titirisin ang NE

Sasandalan ng Basilan si Jerald Bautista sa 9pm encounter kontra Nueva Ecija sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims sa Lamitan City Sports Complex sa Basilan.

Ablaza binalasa ang Zamboanga

Nagdikdik si Cedric Ablaza ng 26 points, 5 rebounds at tig-i-1 ­assist, steal at block nang ipagpag ng Makati Super Crunch ang makulit na ­Zamboanga Family’s Brand ­Sardines, 111-106, sa triple overtime sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019 elims ­Miyerkoles nang gabi sa Ynares Center, Antipolo.