V-League at ACCEL kapit-bisig

Todo ang suporta ng ACCEL, isa sa leading locally made shoes and apparel brands sa bansa, sa season-ending Reinforced Conference ng Shakey’s V-League Season 13. Giniit ni ACCEL owner William Ortiz na iisa ang layunin ng kumpanya at ng V-League, ang mapalawig pa ang youth sports. ACCEL ang official outfitter ng Reinforced Conference pati na ang all-men tournament […]

BACK-TO-BACK ANG LADY BULLDOGS!

Hindi kinayang pigilin nina Isabel de Leon (8) at Kassandra Gequillana (18) ng Ateneo ang palo ni Jaja Santiago (3) ng NU. Winalis ng Lady Bulldogs ang Lady Eagles, huli sa Game 2 19-25, 25-18, 25-22, 21-25, 15-4 sa PhilSports Arena kagabi, para iuwi ang back-to-back titles ng Shakey’s V-League. (Patrick Adalin)

Sumandal ang National U sa kanilang power game at matinding depensa sa net para walisin ang Ateneo 19-25, 25-18, 25-22, 21-25, 15-4 at kumpletuhin ang back-to-back championship sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference kagabi sa tinaong PhilSports Arena sa Pasig. Kahit ang suporta ni Alyssa Valdez sa bench, hindi nakatulong para makahirit ang Lady […]

NO JAJA, NO PROBLEMO SA NU

Walang Jaja ­Santiago na tumao sa gitna, pero hindi nabahag ang buntot ng National U Lady Bulldogs nang itakbo pa ang 25-10, 21-25, 25-16, 25-25 panalo laban sa Perpetual Help Lady Altas para sumampa na sa quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa PhilSports Arena kahapon. Sa pagliban ni San­tiago na nasa kabilang liga para giyahan ang kanyang team […]