Ex-PDEA officer, 3 pa tugisin sa nakalusot na shabu – Gordon

richard-gordon

Nanawagan si Senador Richard Gordon sa National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin si dating Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) deputy director general for administration Ismael Fajardo at tatlong iba pa dahil sa ‘di pagdalo sa mga nakaraang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa P11 bilyong halaga ng shabu na nasabat sa bansa.