P36M shabu nasabat sa Cebu

Itinuring ng pulisya ng Cebu City na malaking tagumpay sa kampanya kontra iligal na droga ang pagkakasabat ng kanilang mga operatiba ng P36 milyong halaga ng shabu mula sa isang high-value target na isinailalim sa buy-bust operation nitong Biyernes nang gabi.