Mas malakas na anti-terror law ilulusot ng Senado

Ngayong nagdesisyon na si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na niya palalawigin ang Martial Law sa Mindanao, tiniyak naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na kanilang ipapasa sa Senado ang panukalang batas na magbibigay sa gobyerno ng dagdag na ngipin laban sa mga terorista.