Mga Aeta sinakripisyo ni Vince Dizon

Bukod sa kabi-kabilang aberya at mga kapalpakan ng mga namamahala sa 30th Southeast Asian Games (SEAG), naungkat ang isyu hinggil sa mga katutubong Aeta na pinalayas sa kanilang tinitirhan para sa pagpapatayo ng mga gusali at pasilidad sa New Clark City sa Capas, Tarlac na bahagi ng pagdarausan ng nasabing palaro.