300 manggagawa ng Star City binigyan ng P4.8M tulong

Pinagkalooban ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng P4.8 milyong halaga ng emergency employment assistance ang nasa 300 manggagawa ng Star City na nawalan ng trabaho dahil sa sunog na naganap sa naturang amusement park noong Oktubre.