Meralco hiniritang unahin ang kapakanan ng taumbayan

Nanawagan ang good governance advocate at dating hepe ng Presidential Anti-Graft Commission na si Atty. Nicasio Conti sa power utility firm na Manila Electric Company (Meralco) na unahin at intindihin ang kapakanan ng taumbayan, sabay hirit at ‘minimum’ na lang muna ang ibayad sa bill sa kuryente, lalo na’t kababalik lang ng karamihan sa trabaho.