Painom-inom habang nanonood ng sine, trending sa Uptown, BGC

May lugar para manood ng movie at ito ay sa mga sinehan. Mayroon din para sa mga gustong uminom para mag-chill o mag-relax gaya ng bar. Sa bagong bukas na The Boozy Bar sa Uptown Mall sa BGC, Taguig City ay puwede mo nang ma-enjoy nang sabay ang panonood ng sine habang umiinom ng paborito mong cocktail drinks.