Gaano kahalaga ang bakuna?

Madami tayong inaantay mula noong magumpisa ang pandemyang Covid-19 at halos ang buong mundo ay tumigil at naglockdown. Ang bakuna ang isa sa pinakaaabangan nating lahat sa panahon na ito. Kasama din dito ay ang tunay na gamot laban sa napakanakakahawang sakit. Doon sa mga naging positibo, lalong lalo na sa mga nagkaroon ng mga matinding sintomas gaya ng pagikli at paghirap sa paghinga at panghihina, gamot ang hinahangad. Madami nang nagamit para gumaling ang mga ito gaya ng chloroquine na syang gamot laban sa malaria, ang nakakahawang karamdaman na dala ng lamok. Mainam na gumaganda at gumagaling ang ibang nabibigyan nito ngunit wala pang tunay na gamot laban sa Covid19. Higit sa lahat, ang bakuna panlaban para hindi magkaroon o mahawa nito ay pinagaaralan pa ng mga eksperto. Kahit ang sarili nating pangulo ay nagbibigay ng gantimpala sa Pilipinong makakabuo ng bakunang ito.

Bakuna vs COVID malapit na

Kumpiyansa ang mga researcher sa Australia na malapit nang makagawa ng bakuna ang mga scientist laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang isinagawa nilang pag-aaral sa isang pasyente.

Huwag ma-trauma sa bakuna

Umapela ang MalacaƱang sa mga magulang na huwag matakot pabakunahan ang mga anak sa harap ng ulat na laganap na ang sakit na tigdas sa ilang mga lugar sa bansa.

Pagbabakuna target ng DOH

Vaccines

Ayon kay DOH spokesperson Dr. Eric Tayag, target ng ahensya na palaganapin ang mga vaccines sa lahat ng health center sa buong bansa para sa proteksyon ng mga sanggol.