Brownlee nilubog ang NorthPort

Brownlee nilubog ang NorthPort

Tinagpas lahat ni Justin Brownlee ang mga humarang sa kanya, nagposte ng muntik na triple-double at kinarga ang Barangay ­Ginebra San Miguel sa pagsubsob sa NorthPort, ­132-105, para sa 2-1 lead sa kanilang 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup 2019-2020 best-of-five semifinals Game 3 Miyerkoles nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pringle ibinawi ang Ginebra

Nagpakita ng kanilang tunay na pangil ang Barangay Ginebra San Miguel sa kanilang sariling laban kontra NorthPort sa dominanteng 113-88 panalo sa Game Two upang itabla ang best-of-five na semifinals series ng 44th PBA Governor’s Cup 2019-2020 Lunes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Qualls nilunod ang Ginebra

Qualls nilunod ang Ginebra

Naging mapusok buong laban si Michael Qualls habang pumutok sa krusyal na yugto si shooter Garvo Lanete upang itulak ang NorthPort 124-90 sorpresang paglango kontra Barangay Ginebra San Miguel at makauna sa kanilang 44th PBA Go­vernor’s Cup 2019-2020 semis-1 best-of-5 Game 1 Sabado nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Qualls nilaklak ang Ginebra

Umiskor si Michael Qualls ng 30 points, kumalawit ng 13 rebounds at nag-isyu ng 5 assists upang pamunuan ang NorthPort sa pagpasok sa quarterfinals tapos itakas ang 98-96 desisyon kontra Barangay Ginebra San Miguel sa 44th PBA Governor’s Cup elims Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

TD ni Brownlee, nagpalasing sa Blackwater

‘Di nasayang ang triple-double ni Justin Brownlee tapos manganib ang Barangay Ginebra San Miguel bago nailigwak ang Blackwater, 101-93, upang makisalo sa ikatlong puwesto sa 44th PBA Governor’s Cup 2019-2020 eliminations Miyerkoles ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Thompson, Ginebra sinenglot ang ROS

Nagtulungan sina ­import ­Justin Brownlee at Earl ­Scottie Thompson sa huling ­dalawang minuto upang itulak ang ­Barangay Ginebra San Miguel sa maigting na 98-89 ­panalo kontra sa Rain or Shine sa 44th Philippine Basketball Association Governors’ Cup seliminations Sabado ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Thompson, Ginebra tinuhog ang Magnolia

Pinakita ni Earl Scottie Thomson ang pinakamagandang laro para sa Barangay Ginebra San Miguel sa 44th Philippine Basketball Association 2019-2020 Governors’ Cup eliminations, giyahan ang team sa 105-83 pagkatay sa defending champion Magnolia Pambansang Manok Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Rosario, Jones TNT nakauna

Rosario, Jones TNT nakauna

Kumonekta ng twin-twin jobs sina Terrence Jones at Jeth Troy Rosario upang buhatin ang TNT sa pag-ahon sa 10 puntos na pagkakalubog at daganan ang defending champion Barangay Ginebra San Miguel, 95-92, at kunin ang 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup best-of-5 semifinals Games 1 Biyernes nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Brownlee, Ginebra pinulutan ang Magnolia

BROWNLEE, GINEBRA PINULUTAN ANG MAGNOLIA

Tila walang kapagurang kumayod si Justin Brownlee ng career-high 49 points upang ibangon ang Barangay Ginebra San Miguel sa 11 points deficit, bumentahe ng 23 at tuluyang kinatay ang Magnolia Pambanswang Manok, 102-81, Linggo ng gabi sa 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum.

Brownlee-Mercado tandem susi sa unang tagay ng Gins

Brownlee-Mercado tandem susi sa unang tagay ng Gins

Medyo bumaba ang laro ni reigning­ Best Import Justin Brownlee hambing sa una, pero nakakuha ng sapat na suporta sa locals para matungga ng defending champion Barangay Ginebra San Miguel ang 110-95 pagpundi sa Meralco Linggo sa PBA Commissioner’s Cup elims sa Smart Araneta Coliseum.