3 tulak dinakma sa QC

Tatlong tulak ng droga ang nalambat at nasa P340,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation ng pulisya sa isang mall sa EDSA, Barangay Sto. Cristo, Quezon City, Sabado ng gabi.

Engineer dinakma sa video scandal ng ex

Kulungan ang binagsakan ng isang consultant engineer makaraang ireklamo ng kanyang da­ting live-in partner nang nagbanta ang una na ikakalat sa social media at ipapadala sa kanyang kamag-anak at kaibigan ang kanyang mga private video kapag hindi nakipagkita sa Barangay Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan kamakalawa.

Bulakenya na-rape sa paghahanap ng signal

Nang dahil sa paghahanap ng signal ng cellphone, isang 18-anyos na dalaga ang na-rape matapos itong hatakin papasok sa tirahan ng kanyang kapitbahay sa Barangay Sto. Cristo, Angat, Bulacan kamakalawa ng gabi.

“Patawad, ‘di ko kayo naipagtanggol” — Dexter

Haplos ng pamamaalam --- Ang ama na si Dexter habang hinahaplos ang ataul ng isa sa kanyang mahal sa buhay na pinatay bago ito ilibing kahapon. (Art Son)

“Humihingi ako ng tawad sa inyo dahil hindi ko kayo naipagtanggol at hindi ko kayo naproteksiyunan, pero sinisiguro ko sa inyo na makakamit natin ang hustisya,” sa halos pabulong na salita ni Dexter habang katabi ang kanyang mga kamag-anakan mula Cagayan at Davao City na hindi din siya iniwanan hanggang sa huling araw na makakapiling niya ang kanyang misis na si Estrella, 29, anak na sina Donnie, 8-anyos, Ella, 6-anyos at bunsong isang taong gulang na si Dexter Jr., at biyenang si Auring, 54.