Aswang ako! Sigaw ng nanay na sumipsip sa dugo ng baby

Bagama’t nasa loob na ng kulungan ay sinasabing nanghihingi pa ng dugo ang isang bagong panganak na ina na walang takot na ginilitan ang sariling sanggol bago sinipsip ang dugo nito dahil sa isa umano siyang aswang sa Sitio Alang-alang, Barotac Viejo, iloilo.
Sanggol ginilitan,dugo sinipsip ni nanay

Kalunos-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang sanggol na may pitong buwang gulang pa lamang makaraang gilitan ito sa leeg at sipsipin ang dugo ng kanyang ina na dumaranas diumano ng matinding depresyon, kamakalawa ng hapon sa Sitio Alang-alang, Barotac Viejo, Iloilo.