Tunay na tulong para sa mga biktima ng sakuna

Hindi talaga naiiwasan ang mga sakuna sa daigdig kaya naman marapat na maging handa ang bawat isa sa atin. Kamakailan lamang nakaranas muli ng isang malakas na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao. Kung matatandaan, ilang buwan pa lamang ang nakalilipas ay lumindol din doon. Nakakatakot at nakababahala ang ganitong klaseng sakuna lalo na’t hindi natin ito maiiwasan dahil tayo ay nasa Pacific Ring of Fire.