Bicol Int’l Airport bubuksan, PNR South sisimulan na

Matapos ang matagal na pag­kabalam, bubuksan na ang P4.8 bil­yong Bicol International Airport (BIA) sa Daraga, Albay at pasisi­mulan din ang paggawa sa P175 bil­yong Philippine National Railways (PNR) South Haul na magsisimula sa Calamba City sa Laguna at magtatapos sa Matnog, Sorsogon.

DOTr: Bicol Int’l Airport tatapusin sa Hunyo 2020

Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na matatapos ang Bicol International Airport (BIA) na kasalukuyang ginagawa sa bayang ito sa Hunyo 2020 at mapapasimulan ang operasyon nito bago matapos ang naturang taon.