Marcos napikon kay Dominguez: Ulyanin ka na!

Binuweltahan ni Senador Imee Marcos si Finance Secretary Carlos `Sonny’ Dominguez III kaugnay sa hindi umano nito pagsasabi ng totoo na hindi kailan man nakapag-export o nakapag-suplay ng bigas ang Pilipinas noong panahon ng 70s sa mga karatig bansa nito sa Asya.

Krisis sa presyo ng bigas ibinabala

Maaring magkaroon ng krisis sa presyo ng bigas, ayon kay Albay Rep. at House Ways and Means chairman Joey Salceda sa susunod na mga linggo bunga ng tagtuyot na patuloy ding nananalasa sa mga bansa ng Thailand at Vietnam, kung saan umiimporta nito ang ang Pilipinas.

Supply ng bigas tiniyak ng DA

Tiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na may sapat na bigas sa bansa sakaling magpatuloy ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.

Mga magsasaka lalong nalugmok kay ‘Tisoy’

Hindi pa nakakabangon dahil sa pagkalugi dahil sa pagdagsa ng imported na bigas, lalo pa umanong silang pinahirapan ng bagyong ‘Tisoy’ matapos salantahin ang kanilang mga panana­nim na dapat sana’y aanihin na, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

Atras-abante

Hindi ikinatuwa ng mga magsasaka ang naging pahayag ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na ipatitigil na niya importasyon ng bigas sa panahon ng anihan upang makatulong sa mga magsasaka. Sabi kasi ng mga nagpakila­lang magsasaka, bumaha na ng imported rice sa bansa kaya wala na ring silbi ang deklarasyon ng Pangulo.