Seryosong hamon ng Adbiyento sa pagbabagong-loob!

Bida sa ikalawang Linggo ng Adbiyento si Juan Bautista, ang inatasang tagapaghanda sa daraanan ng Mesiyas. Sa Ebanghelyo (Mt 3:1-2) maririnig ang hamon ng binansagang ‘pinakadakilang pro­peta sa lahat’ ni Hesus: “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan sapagkat malapit nang maghari ang Diyos!”