Dating pulis, 8 beses binaril ng tandem

Isang dating pulis ang duguang napasubsob sa harapan ng minamanehong tricycle nang walong ulit pagbabarilin ng dalawang ‘di pa nakilalang riding-in-tandem sa kahabaan ng Gapan-Olongapo road, sakop ng Brgy. Poblacion, San Isidro, Nueva Ecija.

Pulis binentahan ng shabu ni titser

Arestado ang isang 40-anyos na high school teacher matapos magbenta ng shabu sa isang pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Dalaguete, Cebu, Biyernes ng umaga.

Pa-attend ng hearing, abogado nilikida

Pa-attend ng hearing, abogado nilikida

Isang abogado na padalo sana sa isang hearing­ ang nasawi nang ambusin ng dalawang hindi pa nakikilalang dalawang nakamotorsiklong salarin sa Barangay Poblacion sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa nang gabi.

2 todas sa nagwalang pick-up

Tigok ang dalawang lalaki habang sugatan ang isang binata matapos ang karambola ng apat na sasakyan sa Brgy. Poblacion, Binalonan, Pangasinan noong Sabado nang umaga.

Mag-utol swak sa drug ops

Himas rehas ang magkapatid na sina Vien, 23, Emanuelto Mahinay, 25, makaraang magpositibo sa iligal na droga sa ikinasang buy-bust sa Silang, Cavite.

Akyat-bahay kalaboso sa 2 senior citizen

Kulungan ang bagsak ng isang 22-anyos na lalaki matapos isuplong ng dalawang senior citizen na nakasaksi sa ginawa niyang pagnanakaw sa isang bahay sa Brgy. Poblacion, Mandaluyong City Sabado nang madaling-araw.

2 guwardiya ng hotel sinaksak ng dayuhang kostumer

Sugatan ang dalawang security guard ng isang hotel nang saksakin ng isang Finland national na nagalit nang hindi niya mabuksan ang pinto ng kanyang kuwarto at hindi siya makalabas kahapon sa Makati City.

Magkuyang koreano bumulusok sa kamatayan

Halos nagkalasog-lasog ang katawan ng magkapatid na Korea­no nang matagpuan ang bangkay ng mga ito sa harapan ng isang hotel na kanilang tinutuluyan kung saan inaalam pa ng pulisya kung nahulog ba ang mga ito o tumalon kahapon nang umaga sa Makati City.