Direktang pakikipag-ugnayan sa mga magsasaka susi sa maayos na pangangasiwa

Bunsod ng hangaring mapataas ang moral ng mga magsasaka sa mga lalawigan ng Central Visayas, ang inyong Kalihim ay dumalo sa Farmer’s Forum na ginanap kamakailan sa lalawigan ng Bohol at sunod na dinaluhan ang inagurasyon ng bagong gusali ng National Irrigation Administration (NIA) sa Dao District, Tagbilaran City, Bohol.