Phivolcs gigisahin ng Kamara

Sa inihaing resolusyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga, sinabi nitong bagama’t kinikilala at pina­pahalagahan niya ang trabahong ginagampanan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mahalaga pa ring maimbestigahan kung naging komprehensibo ang isinagawa nitong monitoring bunsod ng biglaang pagsabog ng Bulkang Taal.