WebClick Tracer

Cesar Montano – Abante Tonite

Kung paanong [hindi] manood ng mga historical film

Noong 1998, matapos na ipanood sa amin ang pelikulang ‘Jose Rizal’ ni Marilou Diaz Abaya na kinatatampukan ni Cesar Montano, gandang-ganda ako sa pelikula at gumawa ako ng ilang pahina ring reb­yu kung saan isinulat ko ang kasaysa­yan ng paggawa ng nasabing pelikula at ang ilang pananaw ko ukol dito. Hayskul pa lamang ako nito at hindi pa historyador, pero ang makinilyado kong proyekto ay nagtataglay ng mga tama at maling ipinakita sa pelikula ayon sa aking nabasa mula sa aktuwal na buhay ni Rizal. Mula noon ganoon na akong manood ng mga pagtatanghal na may kinalaman sa kasaysayan, para akong may imaginary na bolpen at papel sa sinehan na nililista ang mga nakita kong mali. Masarap din kasi ang feeling na alam ko at nabasa ko ang tunay na kasaysayan.

Read More