Best actor trophy ni Allen ‘di luto

Best actor trophy ni Allen 'di luto

ROMMEL PLACENTE: Marami ang nagulat nang si Allen Dizon ang tinanghal na Best Actor sa katatapos lang na MMFF 2019 awards night para sa role niya sa “Mindanao”. Ang inaasahan kasi ng marami ay si Aga ang mag-uuwi ng Best Actor trophy dahil sa hindi matatawarang husay nito sa pelikulang pinagbidahan niya na “Miracle In Cell No. 7”. May lutuan o gapangan ba na naganap? Binigyan na lang daw si Aga ng special award na Male Star of the Night bilang pampalubag-loob dahil nga hindi ito ang pinanalo ng judges ng taunang film festival. Ganu’n nga kaya ‘yun? Present sa awards night ang mister ni Charlene Gonzales dahil nga siguro umaasa rin siya na mananalo dahil bago pa man ang awards night ay marami na talaga ang nagsasabi na sure win na siya. Pero ‘yun nga, tinalo siya ni Allen. Pero baka naman magaling din ang indie actor sa movie nila ni Judy Ann Santos kaya sa kanya binigay ang award, ‘di ba? Mapanood nga ang “Mindanao” para malaman ko kung deserving si Allen sa pagkapanalo niya at maikumpara ko ang akting niya kay Aga sa “Miracle In Cell No. 7”. Napanood ko kasi ito at kahit ako ay nagsasabi na si Aga na ang magiging Best Actor.

Ryu Seung Ryong hindi napagbigyan si Aga

Nagpasalamat umano ang Korean actor na si Ryu Seung Ryong sa imbitasyon ni Aga Muhlach para sa premiere night ng ‘Miracle in Cell No.7” pero busy umano ito ngayon. Gayunpaman ay ipinaabot niya ang kanyang pagbati sa mister ni Charlene Gonzales.

Horoscope 05/01/2019

Charlene Gonzales Kaarawan: Mayo 1, 1974 Malakas ang loob at kayang dalhin ang anumang stress sa buhay. Hindi masisira ang kanyang diskarte dahil lang sa mga sagabal at problema. Bagkus mas gusto niyang lumaban mag-isa para ipakita na kahit solo siya ay kaya niyang manalo. ARIES (Marso 21-Abril 19) – Marami ka pa ring hindi alam tungkol sa buhay-buhay. […]