Cusi, Matibag couple gigisahin sa WESM scam

Kakalkakin ng House committee on energy ang tinaguriang sweetheart deal ng National Transmission Commission (TransCo) sa isang power firm na P7,000 lang ang puhunan su­balit multi-bilyong ha­laga ng kontrata ang nakuha para mag-operate sa wholesale electricity spot market (WESM).