WebClick Tracer

CT-Scan – Abante Tonite

Epidemya sa panahon ni Duterte

Kamakailan, kinaila­ngang isugod sa ospital ang isang malapit sa aming pamilya. Inatake siya sa utak (sa Taglish, “na-stroke”), at unang dinala sa pinakamalapit na emergency room sa isang malaking pampublikong ospital sa Quezon City. Pagkatapos bigyan ng CT scan at iba pang mga test, sinabi ng doktor na ­kailangan siyang ­ma-admit para mabantayan – may peligro ng isa pang atake sa susunod na 24 oras. Dahil puno ang ­ospital ­(tunay nga; nag-uumapaw ­hanggang sa mga ­koridor ang ­may-sakit), pinayo niya na ­humanap kami ng ibang ospital na makatatanggap sa kanya.

Read More