Sinampolan! Pastor na nagpakalat ng fake news kinasuhan

Sasampahan ng kasong cyberlibel ng Philippine National Police (PNP) ang isang pastor matapos umano mag-post sa kanyang Facebook account ng maling impormasyon na mayroon umanong dalawang tao ang tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bayan ng Veruela, Agusan del Sur.