Ang grupong umano’y nasa likod ng ‘EJK’ sa Tondo

Kasama ni Chairman Arce ang mga tauhan ng Del Pan PCP sa pangunguna ni PO3 Ronald Alvarez na nagtungo sa baybayin ng Manila Bay na sakop ng Purok 5 Isla Puting Bato at dito tumambad sa kanilang paningin ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima na tinatayang nasa pagitan lamang ng edad na mula 16 hanggang 20-taong gulang, katamtaman ang pangangatawan, may taas na halos 5’2” talampakan, walang damit pang-itaas, nakasuot ng kulay brown na short pants at walang suot na sapatos o tsinelas.