Mocha, Jinggoy, Sinas sinubpoena ng NBI

Ipinatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Mocha Uson at dating Senador Jinggoy Estrada para magpaliwanag hinggil sa paglabag diumano sa batas kaugnay ng pinatutupad na enhanced community quarantine.

Mocha sa OWWA bakit hindi?

Nabuhay na naman ang mga kritiko ng supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na dating Communications Assistant Secretary Esther Margaux “Mocha” Uson dahil sa pagkakaluklok niya bilang deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).