Digmaang Pilipino-Amerikano

Kahapon Pebrero 4, ang ika-121 anibersaryo ng unang putok ng Digmaang Pilipino-Amerikano. Ito ang giyera upang ipagtanggol ng sambayanang Pilipino ang pambansang kasarinlan laban sa pananakop ng imperyalistang Estados Unidos. Nagsimula ito sa Sta. Mesa, Maynila noong 1899 at lumaganap sa buong kapuluan sa loob ng mahigit isang dekada.