WebClick Tracer

Diyos – Abante Tonite

Huwag matakot, huwag mangamba!

Ngayong Ikalimang Linggo ng Muling Pagkabuhay, pinatatatag ang ating loob sa gitna ng krisis na hinaharap. Sa Ebanghelyo (Jn 14: 1-14) malinaw ang mga salitang binitiwan ni Hesus na tunay na nakapagpapalakas ng loob lalo na sa mga humaharap sa matinding kasiphayuan sa kasalukuyang pandemya: “Huwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin!” diin ng Panginoon.

Read More

Kasama natin ang Diyos sa pakikibaka vs. COVID-19!

Ang Ebanghelyo ngayong Ikatlong Linggo ng Muling Pagkabuhay (Lc 24, 13-35) ay tungkol sa dalawang alagaad na nag-uusap sa daan patungong Emmaus matapos ang pagpanaw ni Hesus at pagkalat ng balitang ito’y muling nabuhay. Nang lumapit ang Panginoon na hindi nila namukaan, isiniwalat nila ang kabiguang taglay sa puso-“Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel!”

Read More

Wanted: Mga Alagad ng Mabathalang Awa

Ipinagdiriwang natin ngayon ang Linggo ng Banal na Awa. Pinasimulan ni Santa Faustina Kowalka ang debosyong ito para patuloy nating harapin nang may lubos na pagtitiwala sa nag-uumapaw na habag ng Panginoon ang mga pagsubok at hamon sa buhay. Diin ng Simbahan, sa kanyang Muling Pagkabuhay ipinamalas ng Diyos ang tagumpay ng awa sa kasalanan at kamatayan.

Read More

Diyos ka ba?

Sa kagustuhang makabalik na ang kanyang mga nasasakupan sa kanilang mga tahanan, binanatan ng isang bise alkalde sa Batangas si Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum dahil sa mga babala nito hinggil sa pa­nganib ng mas malakas pang pagsabog na maaaring maganap sa Bulkang Taal.

Read More

Kapistahan ng Pagbibinyag ng Panginoon

Ipinagdiriwang natin ngayong Linggo ang Kapistahan ng Pagbi­binyag ng Panginoon (Cfr. Mt 3:13-17). ­Bilang mga binyagang Katoliko, tinatawagan tayong tahakin ang landas ng kabanalan. Ang pagiging banal at pamumuhay nang naaayon sa kalooban ng Diyos ang siyang magiging daan natin patungo sa Kanya. Pithaya ng Iglesya na tayo rin ay maging tunay na kalugud-lugod sa Ama.

Read More