Bangungot ng EAC pinahaba ni Verzosa

Nagpasabog si Dolly Grace Verzosa ng 16 points sa likod ng 12 spike at 3 service ace para dugtungan pa ng Rizal Lady Bombers ang pighati ng Aguinaldo Lady Generals, 25-22, 25-17, 25-19, sa NCAA ­Season 95 women’s indoor volleyball tournament first round elimination Huwebes nang hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.