Bugbugan at barilan

Dear Dream Catcher,
Napanaginip kong nakikipag-away daw ako. Hindi ko kilala ang nakaaway ko sa pana­ginip. Noong una raw ay nakikipagsuntukan lamang ako pero hindi ako nakuntento at nakita ko na lamang ang sarili ko na nakikipagbarilan ako sa kaaway ko. Nagising akong inis na inis. Ano po ang ibig sabihin ng pa­naginip ko?
Ben

Bumangon sa kabaong si Lolo

Dear Dream Catcher,
Isasangguni ko lang po kung anong ibig sabihin ng panaginip ng dalawa kong pamangkin. Bale po ang Dad ko na lolo nila ay kamamatay lang nu’ng May 24 at nilibing nitong June 1.

Aso’t pusa

Dear Dream catcher,
Gusto ko lang po ma-laman anong kahulugan po ng panaginip ko na ang dami-dami pong asong gustong pumasok sa aming bahay.

Umakyat sa pader

Napanaginipan ko na umaakyat ako sa isang mataas na kulay puting pader, may mga tali ito at ito ang gamit ko para makaakyat at may tumulong sa akin, pero hindi ko makita ang mukha niya.. At dahil sa tulong niya naakyat ko ang napakataas na pader na yun.

Ang nail polish

Napanaginipan ko ang aking kumare. Nilagyan ko daw ng nail polish (kyuteks) ang kanyang mga kuko, kulay pula. Nagandahan siya kaya hiniram niya ito at iniuwi.

Itim na ahas

Dream Catcher

Napanaginipan ko pong nakakita ako ng kulay itim na ahas na nakapormang parang manunuklaw. Hindi naman siya kalakihan kaya ­hindi ako natakot. Nakahanap daw ako ng malaking kahoy at pinagpapalo ko raw ang ahas. Ramdam kong gigil na gigil ako habang hinahambalos ko ang ahas.

Sinulid at karayom

Dream Catcher

Ang karayom sa panaginip ay maaring konektado sa pinagdaraanan mong emosyon. Posibleng sa aktuwal na buhay, meron kang situwasyong pinagdaraanan na nakakaapekto nang husto sa iyo kaya hanggang sa iyong pagtulog ay ito ang naging mensahe ng iyong subconscious.

Ang kotse at ang espesyal na kaibigan

Dream Catcher

Napanaginipan ko ang isang lalaking kaibigan ko. Babalik na siya sa abroad at ipinapahabilin daw nya sa akin ang kanyang kotse. Habang nag-uusap kami, nasa tabi kami ng kotse niya. Sabi niya gamitin ko raw muna habang wala siya. Pero hindi ko raw matanggap ang ina­alok niya dahil alam kong hindi ito magugustuhan ng kanyang girlfriend. Sa totoong buhay, medyo nagkakalabuan na kasi sila ng kanyang gf at madalas niyang ihi­nga sa akin ang mga problema sa kanilang relasyon. Sa panaginip ko, ayaw kong ma-disappoint ang kaibigan ko pero alam kong mali na tanggapin ang offer niya. Nagising akong nakakaramdam pa rin ng pagkalito.

Dumami ang mga pimple

Dream Catcher

Napanaginipan kong nakaharap ako sa salamin at natutok ang pansin ko sa isang malaking pimple sa aking pisngi.

Ang susi, ang pendant at ang bundok

Dream Catcher

Nanaginip ako kagabi na umakyat daw ako sa pinakatuktok, hindi naman siya bundok pero ‘di naman ako nahirapan. Saglit lang at narating ko ‘yung taas. Di ko makita ang paligid kasi masyadong maliwanag kaya di ako makatingin. Sa tuktok ay may nakita ako naka-box na maliit. Binuksan ko at may laman na stainless na susi. Isa lang ang susi pero marami siyang kasamang itim na lastiko na putol-putol. Sa tabi nung box ay may nkita naman akong silver na cross pendant. Hanggang dun lang po ang pana­ginip ko.