Sapat na silid-aralan, importanteng hakbang tungo sa kalidad na edukasyon
Sa tantya ng DepEd, kulang pa ng higit apatnapung libo ang silid aralan sa ating mga pampublikong paaralan. Kaya naman para sa marami, ang pagtatalaga ng tatlong shift – kung saan ang unang shift ay nagsisimula ng alas sinko y medya sa umaga at ang huli ay natatapos ng alas otso sa gabi – ang tanging paraan upang mapagkasya ang lahat ng mag-aaral sa isang araw….