Diyos na Santatlo: Puno’t Dulo ng ating buhay!

Dakilang Kapistahan ngayong Linggo ng Banal na Santatlo. Giit ng Simbahaan, puno ng tanda ng Tatlong Persona sa Iisang Diyos ang iba’t ibang yugto ng ating buhay. Mula nang tayo’y binyagan hanggang sa ating pagpanaw sa mundong ibabaw, taglay natin ang tatak at katibayan ng Panginoon bilang Ama, Anak at Espiritu Santo.
Pentekostes, isang panibagong simula para sa tanan!

Isang panibagong simula para sa atin ang Linggo ng Pentekostes na ginugunita ngayong araw. Ayon sa Simbahan, ang Pista ng Pagbaba ng Espiritu Santo ay nagsisilbi at nanatili bilang paanyaya sa tanan tungo sa panibagong buhay — bagong tibay at bagong lakas; hamon sa pagkakaisa lalo’t higit ngayong katatapos lamang ng barangay at SK elections sa bansa.
Linggo ng Banal na Awa

Ginugunita natin ngayong Linggo ang Pista ng Banal na Awa. Turo ng Simbahan, ang debosyong pinalaganap ni Santa Faustina Kowalska ay nananatiling paanyaya sa lahat upang harapin ang mga pagsubok at hamon ng buhay nang may lubos na pagtitiwala sa habag ng Panginoon.
MARCOS 12:36

Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito: ‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, Maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway.’
2 CORINTHIANS 6:6-7

Ipinakilala kong ako’y lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng malinis na pamumuhay, kaalaman, pagpapahinuhod, kabutihang-loob, ganoon din sa pamamagitan ng Espiritu Santo, tapat na pag-ibig, tapat na pananalita at kapangyarihan ng Diyos. Ang katuwiran ang siya kong sandatang panlaban at pananggalang.
TITUS 3:5

Natamo natin ito hindi dahil sa ating mabubuting gawa, kundi sa kanyang habag sa atin. Naligtas tayo at ipinanganak na muli sa Espiritu Santo na siyang luminis at nagbigay ng bagong buhay sa atin.