NEWBIE, NEW CHAMP

Pinagkalumpunan ng teammates sa Pocari Sweat si Myla Pablo (18) na tinanghal na Finals MVP. Pinabagsak ng Lady Warriors ang Air Force 29-27, 18-25, 25-21, 25-19 sa winner-take-all Game 3 para angkinin ang titulo ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa PhilSports Arena. (Jhay Jalbuna)

Kinumpleto ng bagitong Pocari Sweat ang buwelta sa pagsilat sa beteranong Air Force 29-27, 19-25, 25-21, 25-19 sa winner-take-all Game 3 Finals at maupo sa trono ng Shakey’s V-League Season 13 Open Conference sa PhilSports Arena sa Pasig kagabi. Lunod sa opener 25-17, 20-25, 25-15, 24-26, 11-15, kinopo ng Pocari ang Game 2 17-25, 25-22, […]