Kamatayang nasilip sa lente ng kamera

Sinabi niya na noong naka-enkuwentro nila ang mga miyembro ng Peacekeeping Action Team ng buwan ng Nobyembre ng taong 2010 sa pangunguna ni Kagawad Dagsa, napilitan siyang sumuko nang mag-jammed ang kanyang dalang baril habang nakikipagpalitan ng putok subalit sa halip na isuko sa kapulisan, pinagtulungan pa umano siyang gulpihin at barilin sa ulo bagama’t dumaplis lang ang bala kaya’t nang lumaya siya sa bisa ng piyansa, pinagplanuhan na niyang patayin si kagawad para makaganti sa ginawa sa kanya.