Eya, Sisi iba pa taartits na rin

NAGMISTULANG mga Avengers na nag-assemble ang mga sikat na local volleyball player na sina Ara Galang, Maddie Madayag, Eya Laure, Sisi Rondina, Michelle Morente at Heather Guino-o sa pagsasagawa ng dance video teaser para sa nalalapit nilang variety show.

SEAG: Jaja, Dindin pipilay sa PH team

SEAG: Jaja, Dindin pipilay sa PH team

Magpupulong ngayon ang Larong Volleyball ng Pilipinas, Incorporated (LVPI) upang pag-usapan ang kinakaharap na malalim na problema hinggil sa pagbuo ng dalawang pambansang koponan partikular sa kababaihan dahil sa posibleng ‘di paglalaro ng magkapatid na sina Alyja Daphne ‘Jaja’ at Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago.

Sisi, Eya isasalya ang mga reyna

Muling raratsada sina open spikers Cherry Ann Rondina at Eya Laure upang pangunahan ang University of Santo Tomas Golden Tigres-ses sa sagupaan kontra reigning champions De La Salle University Lady Spikers sa semifinals ng UAAP season 81 women’s volleyball tournament, alas-4 ng hapon, Linggo sa Mall of Asia Arena.

ATENEO NANIGURO NG PLAYOFF

Ginawang asintahan­ ni Michelle Morente (3) ng Ateneo ang pagitan ng dala­wang kamay ni Carla Sandoval (5) ng UST para palusutin ang bola. Dinagit­ ng Lady Eagles ang Tigresses­  25-22, 25-19, 25-19 para maniguro ng playoff sa semis ng Shakey’s V-League. (Patrick Adalin)

Buhay pa ang Ateneo sa paghahabol sa semis matapos dagitin ang ­University of Santo Tomas 25-22, 25-19, 25-19 sa round-robin quarterfinals ng V-League Season 13 Collegiate Conference sa PhilSports Arena kagabi. Nagtala sina Ana Gopico at Kim Gequillana ng tig-13 puntos para sa Lady Eagles na umangat sa 2-2. Kailangang manalo ng Ateneo sa Far […]

TIGRESSES MAG-ISA SA TUKTOK

Hindi pinalusot nina Jullianne Samonte (14) at Julia Morado (12) ng Ateneo ang palo ni Grethcel Soltones ng San Sebastian. Biniktima ng Lady Stags ang Lady Eagles 25-23, 25-22, 25-23. (Patrick Adalin)

Sinakmal ng University of Sto. Tomas ang solo liderato sa matapos kaldagin ang College of Saint Benilde Lady Blazers, 25-20, 25-17, 25-27, 25-17  kagabi sa 13th V-League Collegiate Conference sa PhilSports Arena. Pumalo si Eya Laure ng 18 points para ilagay ang UST sa unahan ng Group B sa 2-0 card. Unang biniktima ng Tigresses […]

Soltones, Baste nilapa ng NU

Kinapitan ng University of Sto. Tomas Tigresses ang magkapatid na EJ at Eya Laure para sakmalin ang 27-25, 25-18, 20-25, 25-18 panalo kontra San Beda College Lady Red Spikers kagabi sa 13th V-League Collegiate Conference sa PhilSports Arena sa Pasig. Sa ikalawang laro, ­nilapa ng National University Lady Bulldogs ang San Sebastian College Lady Stags, […]