Nationwide roll-out ng fuel marking program nasa Mindanao na

Umabot na sa Mindanao ang nationwide roll-out ng Fuel Marking Program ng pamahalaan, sa pagsisimula ng mar­king ng may 60 milyong litro ng diesel fuel sa Northern Mindanao Import Facility (NMIF) na minamantine ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, sa Cagayan de Oro noong Linggo, Nobyembre 24.