F2 kampeon sa SuperLiga

F2 KAMPEON SA SUPERLIGA

‘Di na pinatagal ng F2 Logistics Cargo ang laban, sinandalan ang 27 points si Fil-American Tyler Marie Kalei Mau upang kalusin ang Cignal, 25-14, 25-16, 25-19 sa Game 2 at sikwatin ang korona ng 7th Philippine SuperLiga All-Filipino Conference 2019 Martes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Galang, F2 dinaganan ang Cignal

Humambalos ng twin digits sina Victonara Galang at Tyler-Marie Kalei Mau upang bitbitin ang F2 Logistics sa panlimang ragasa tapos itawid ang 25-22, 25-19, 25-14 desisyon kontra Cignal sa 7th Philippine Super Liga 2019 All-Filipino Conference preliminaries Martes nang gabi sa Cadiz City Arena.